Mga laro bukas:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – Sta. Lucia vs Petron
4:15 p.m. – Foton vs F2 Logistics
7:00 p.m. – Cignal vs UVC

Kumontak si American import Grace Lazard ng 18 points sa likod ng 12 attacks, five blocks at ace upang paspasang matimbog ng PLDT Home Fibr ang Foton Tornadoes, 25-16, 25-20, 25-17, Martes nang gabi sa 7th Philippine Super Liga 2019 Grand Prix elims sa The Arena, San Juan.

Bakas kay Lazard si Kendra Dahlke ng 10 markers para sa Power Hitters na kinubra ang ikalawang ragasa sa season-opening conference ng walong koponang liga tapos ang kambal na semplang.

Bukod sa dalawang dayuhan, nahugutan naman ng lakas si coach Roger Gorayeb sa kanyang mga local player sina Shola Alvarez, Aiko Urdas at Jasmine Nabor.

Nagtala naman si Courtney FelinsĀ­ki ng 15 puntos para sa Tornadoes Blue Energy na nalasap ang pangalawang taob sa tatlong salang.

May pagkakataon sana ang Foton na makuha ang panalo sa third frame matapos makalamang ng 9-5, subalit tumukod matapos mag-init muli ang opensa nina Lazard at Alvarez.