NAGSIMULA noong nakaraang Linggo ang bagong reality show ni Daiana Menezes na The Fiercest of Them All na mapapanood sa GMA News TV tuwing Sunday ng 9:00 PM.

Matindi ang katapat nila noong nakaraang Linggo dahil finals ng Pinoy Big Brother at may PBA pa, kaya hindi ito gaanong pumalo.

Inaasahan nilang babawi ito ngayong gabi dahil papasok na rito ang foreign models na lalaban sa mga bagitong modelo.

Sabi ni Daiana na host ng naturang rea­lity show, “It’s more of women empowerment. We teach the girls how to be ready for the industry, much more than just looking good.”

Sa Instagram ay ba­ngis-bangisan ang mga pa-bikini ni Daiana.

Ang tambok niya, nagmumura!

“Simulan na ang dapat simulan. Tapusin na ang dapat tapusin.

Bakit mamaya pa kung pwede namang gawin ngayon?” tila naghahamon pa niyang caption sa isang sexy picture.

Nagpapaka-profound din ang hugot niya, “This body, full of faults, has yet one great quality: Whate­ver it encounters in this temporal life depends upon one’s actions. We don’t stop at our skin.”