Daiana, naubos ang pag-ibig sa bankrupt na asawa

Daiana Menezes

NAKATSIKA­HAN namin sandali si Daiana Menezes sa birthday party ni Mother Lily.

Doon namin nalaman na umabot na pala sa kasuhan ang hiwalayan nila ng asawa niyang da­ting Congressman ng Cagayan de Oro na si G. Benjo Benaldo.

Nag-file na si Daiana ng Divorce sa Las Vegas, Nevada at humiling din siya rito sa korte ng Temporary Protection Order laban sa dating asawa dahil daw sa mga harassment na natatanggap niya.

Ilang beses din daw silang naghiwalay at itong huli iyung nakapag-decide siyang hindi na siya maki­pagbalikan at nag-f­ile na ­siya ng Divorce.

“Everyone knows naman kung ano ‘yung nangyari sa amin in the past controversies.

“There was something weird about him. Pero I wish him well, I hope mag-move on na rin siya,” pahayag ni Daiana.

Hindi raw niya matanggap na pagbintangan siya ng dating asawa na kaya raw siya nakipaghiwalay dahil wala na itong pera.

“Hindi naman kasi ‘yun ang rason eh dahil nag-stay naman ako sa kanya kahit bankrupt na bankrupt na siya,” pakli ng Brazilian model/actress.

Fall out of love daw ang rason bakit siya nakipaghiwalay. “Hindi ko na kaya mag-fake, eh. Hindi ko na kaya pag naisip ko na siya na ng taong makakasama for the rest of my life,” sabi pa nito.

Ayaw nang idetalye ni Daiana ang mga pangyayari, pero hindi na niya sinagot ang tanong namin kung umabot ba sa physical violence ang namagitan sa kanila ng kanyang asawa.

Sinagot niya ang isyung pananakot dahil matagal na raw siyang nakakatanggap ng threats na alam niya kung kanino ito nanggaling.

Okay lang daw kay Daiana kung siya lang ang nakakatanggap ng mga pananakot mula sa dating asawa, pero pati raw ang Mommy niya ay nadadamay.

“Basta may mga things na pati sa Mama ko, dinadamay niya. Me­ron pa sinasabi niya palalabasin daw kami sa bansa na ‘to, eh wala namang rason,” saad ni Daiana.

Nilinaw ni Daiana na legal ang pamamalagi niya ng bansa dahil permanent resident siya at kumpleto siya sa papeles.

Ang hiling lang sana ni Daiana, patahimikin na siya ng dating asawa, at pareho na silang mag-move on.

***

Sobrang saya ng mag-asawang direk Carlo J. Caparas at Donna Villa sa premiere night ng pelikulang Miracles Are Forever na ginanap sa College of Divine Wisdom, sa lugar ng El Shaddai sa Parañaque.

Isinabay ang premiere sa 32nd anniversary ng El Shaddai kaya suportado ito ng mga miyembro ng naturang grupo.

Overwhelmed ang golden couple dahil sa suporta ng El Shaddai na dinaluhan ni Bro. Mike Velarde.

Isa raw ito sa birthday wish ni Bro. Mike na magkaroon ng pelikulang kagaya ng Miracles Are Forever na mapapanood ng El Shaddai na magbibigay ng ins­pirasyon sa lahat.

Inaasahan ni Bro. Mike na susuportahan ng buong El Shaddai itong Mi­racles Are Forever na sa December pa pala ang showing sa commercial theaters.

Pero magkakaroon pa raw muna ng mga advance showing sa iba’t ibang bansa kung saan­ ­solid din ang grupo ng El ­Shaddai.

Inaayos na rin daw ang isa pang pelikulang gagawin na magbibigay ng ins­pirasyon sa kanila na Miracles Are ­Everywhere naman ang pamagat.