Umani ng papuri ang video tweet na pinost ni Aaron Black kung saan makikita ang kanyang tatay na si Meralco coach Norman Black na dumadakdak.
‘Di napigilan ng mga netizen na mapa-wow sa ginawa ng 61-anyos nang bench tactician.
Ayon kay @VincentLicup, “dunking at 61 and not even on wooden court! Respect Mr 100%.”
Tinawag na alamat ang komento ni @PaoloSedonio kay Black: “Wow! Legend.”
Si @carlo_gomez, napamura sa bangis ni coach: “Gaddam, he’s knees are still intact!”
Bilib din si @jmskie34, “last time when JAWO coach the ASIAN games pBa team. There was an idea to naturalize Norman Black. I wonder if that happens.”
Si @JuliusSantillan, ‘di makapaniwala na senior citizen na si Norman. “Senior Citizen na pla to. Kala ko 40plus pato haha.”
Si Norman Black ay isang American retired professional basketball player na naglaro noon sa CBA, NBA at PBA kung nag-Best Import siya noon at maraming kampeonato bilang player at coach, tampok ang 1989 grand slam sa San Miguel Beer.
Kasalukuyan niyang minamandohan ang PBA team Meralco Bolts kung saan nadala niya nang dalawang beses sa finals. (Aivan Episcope)