Pinag-iingat ngayon ng Pasay City Police ang publiko laban sa mga kababaihang miyembro ng ‘Dakot-Dukot Gang’, na ang modus ay manghihipo sa mga kalalakihan at sabay dudukutan ng wallet at cellphone ang mga ito.

Ayon kay Senior Supt. Nolasco Bathan, hepe ng Pasay City Police, base sa reklamong natanggap nila, nagkalat ang grupo ng Dakot-Dukot Gang”, na kinabibila­ngan ng mga kababaihan sa mga matataong lugar.

Nadiskubre ang modus sa close circuit television (CCTV) footage na nasa kahabaan ng EDSA sa P. Cruz, Brgy. 147, na ilang kalalakihan ang nabiktima ng isang babae na sumalubong sa kanila at sabay humipo sa maselang ba­hagi ng kanilang katawan at saka sila dinukutan.

Nakita sa CCTV na isang lalaki ang hinipuan ng hindi nakilalang babae at sabay na dumukot sa bulsa at nakuha ang P1,000.

Binubusisi ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 6 ang kuha ng CCTV para sa pagkakakilanlan ng babaeng suspek.

2 Responses