Dalaga dinakma sa pagbebenta ng droga

Arestado ang isang dalaga sa paglalako ng umano’y iligal na droga sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Robin King Sarmiento, hepe ng Parañaque City Police ang suspek na si Jocelyn­ De Lima, 23, dalaga, walang trabaho at nakatira sa 16th St., Puyat Compound, Brgy. Rambo.

Sa ulat, alas-nuwebe ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Police Maj. Anthony Sliding­ laban sa suspek sa Quirino Avenue, Brgy. Rambo.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 1.3 gramo na nagkakahalagang P8,840 at P200 buy-bust money.

Dinala ang mga nasamsam na ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Nakakulong nga­yon ang suspek sa Parañaque Station custodial facility at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Armida Rico)