Sa selda ang bagsak ng isang Chinese natio­nal matapos itong ireklamo ng kasong acts of lasciviousness ng isang 22-anyos na dalaga na nagtatrabaho sa isang spa sa isang hotel-casino sa Parañaque City ­kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Supt. Rogelio ‘Jojo’ Rosales, hepe ng Parañaque City Police, ang suspek na si Lu Jizheng, nasa hustong gulang.

Sa pahayag ng biktima na itinago sa pangalang ‘Lovely,’ alas-otso ng gabi nang maganap ang insidente sa pinagtatrabahuhan sa Retreat Spa sa loob ng Okada Manila sa Parañaque City.

Sinabi nito na bigla na lamang siyang hinipuan ng dayuhan sa maselang bahagi ng katawan nito habang siya ay naka-duty.

Bunga noo’y nag­harap ng reklamo ang biktima sa tanggapan ng Parañaque City Police laban sa dayuhan, na nagresulta sa pagkakadakip dito.