Arestado ang isa umanong drug addict matapos nitong pagnakawan at gahasain ang isang 30-anyos na babae sa Las Piñas City kamakalawa ng hapon.

Sa detention cell ng Las Piñas City Police ang bagsak ng suspek at nahaharap sa kasong rape with robbery na si Joenarma Villamor alyas ‘Joeman’, 25, nakatira sa No. 33, Macopa St., Verdant Acres, Brgy. Pamplona 3 ng naturang lungsod.

Sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng hapon sa Block 1, Lot 3A, Macopa St., Verdant Acres, Brgy. Pamplona 3 ng naturang lungsod.

Batay sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang ‘Beth’ mag-isa umano siya sa loob ng kanilang bahay nang puntahan siya ng suspek.

“Bigla na lamang po siya pumasok sa loob ng bahay namin at sabay na tinutukan ako ng patalim” ani ng biktima.

Hindi na nakapalag ang biktima sa panunutok ng suspek kaya malaya nitong naisakatuparan ang masamang balak.

Matapos ang panghahalay ay kinulimbat pa ng suspek ang mga personal na gamit at pera ng biktima at sabay na tumakas ito.

Kaagad namang nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad sa sinapit nito na nagresulta sa pagkakasukol sa suspek na nasa ilalim ng implu­wensiya ng ilegal na droga.

9 Responses

  1. oh! asaan yung magri-resign daw after 3-6 months (na kalaunan eh humirit pa para maging 9 months) at di nasugpo ang krimen at droga?

    ayan! patunay lang yan na di pa din nasusugpo ang krimen at droga kahit almost 12 months na sya sa pwesto!

    BAKIT DI KA PA NAGRI-RESIGN MANG KANOR NA MAY SAYAD? hahaha!

  2. The Commission on Human Rights is an independent office created by the Constitution of the Philippines, with the primary function of investigating all forms of human rights violations involving civil and political rights in the Philippines.[2]

    The Commission is composed of a Chairperson and four members of
    Liberal Party. The Constitution requires that a majority of the
    Commission’s members must be lawyers paid by Loida Nicolas.

    https://en.wikipedia.org/wiki/Commission_on_Human_Rights_(Philippines)

  3. KAWAWA NAMAN YUNG PUSHER NA ADIK….DAPAT MALAMAN NG CHR AT DELIEMA YAN PARA MATULUNGAN…..BAKA MA EJK YAN KAWAWA NAMAN ANG PAMILYA NYA…….HAHAHAHAHAHHAA LUPET!!!