Isang dalaga na sinasabing ‘tulak’ ng droga ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Rizal Medical Center ang biktimang si Rodeza Cruz, alyas Odeth, nasa hustong gulang at nakatira sa 646 MRR Old St., Purok 2, Brgy. Pineda, Pasig City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Danilo Damasco, dakong alas-12:20 ng hatinggabi nang barilin ang biktima sa tapat ng China Bank, Reliance Bldg., C-5 Road, Brgy. Ugong sa nasabing lungsod.

Nakasakay umano ang biktima sa tricycle na Honda Supremo nang dumating ang dalawang suspek at wala sabi-sabing pagbabarilin ang biktima.

Tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay isinugod ng isang Roland Hernandez sa nasabing pagamutan ngunit idineklarang dead on a­rrival.

Narekober sa biktima ang isang sealed plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng droga.