Hindi makausap at takot na takot nang humarap sa mga awtoridad ang 18-anyos na dalaga matapos tutukan ng patalim at gahasain ng kanyang sa­riling tiyuhin sa loob ng kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Sa follow-up operation ng mga awtoridad ay naaresto ang suspek na si Salustiano Abong Jr., 40, at naninirahan sa Decena St., Zone 1 nang nasabing lungsod.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang ‘Roselyn’ naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw. Natutulog siya nang pasukin siya sa kuwarto ng tiyuhin na si Abong.

Naramdaman na lamang niya nang may humihimas sa kanyang kanang hita hanggang sa nagising na lamang siya at nakita ang kanyang tiyuhin na nakaupo sa kanyang tabi at armado ng patalim.

Nagsisigaw ito pero tinutukan siya ng patalim sa leeg at inutusan na mag­hubad. Dahil sa takot ay wala umano siyang nagawa kung ‘di sundin ang utos ng tiyuhin hanggang sa pagsamantalahan na siya.

Nang makuha na ng suspek ang pakay sa biktima ay mabilis itong tumakas, subalit agad nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay at barangay ang biktima upang ito ay maaresto.

Sa himpilan ng pulisya, todo tanggi ang suspek na hindi naman pinaniwalaan ng pulisya.

Ito ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-rape Law).

3 Responses

  1. Lahat ng mga gumawa ng karumaldumal, kaga nyan, patayin din. Sabihing nanlaban at nang agaw ng baril. Hindi na gagastos ang gobyerno sa korte at pagpapakain sa mga iyan sa kulungan.