Dalagang ina nag-suicide sa Burgundy Tower

Patay ang isang 27-anyos na single mom matapos itong lumundag sa ika-12 palapag ng isang condominium kahapon nang umaga sa Malate, Maynila.

Ang biktima ay itinatago sa panga­lang Jen, tubong Davao City. Binawian ito ng buhay matapos tumalon sa 12th floor ng Burgundy West Tower na matatagpuan sa 820 P. Ocampo St., Malate, Maynila.

Nabatid sa Manila Police District (MPD) na ang biktima ay bumagsak sa ikaapat na palapag ng nasabing condominium.
Naganap umano ang insidente dakong alas-11:10 nang umaga.

Bago ang insidente, nakita umano ang biktima na pumuposisyon ito na tumalon sa pasimuno.

Kaagad umanong humingi ng tulong ang management ng condo kay Barangay Chairman Jaime Adriano na kaagad namang rumesponde sa lugar.

Hindi na umano nagawang kumbinsihin ang dalagang-ina na huwag tu­malon dahil bago pa sila makalapit ay tumalon na ito.

Nalamam na nakatira sa Unit 1207 ang biktima kung saan kasama ang kanyang kapatid na lalaki at tatlong anyos na anak.

Lumilitaw na may personal na problema ang biktima.