Timbog ang tatlo kabilang ang isang 16-anyos na dalagita sa drug buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) sa Barangay San Francisco, Binan, Laguna kamakalawa.
Kinilala ang mga naaresto na sina John Gaton, Rey Francia at ang 16-anyos na dalagita na hindi pinangalanan.
Target ng operasyon si Gaton at matagumpay na naisagawa ang operasyon, habang natiyempuhan naman ng mga awtoridad na nagsasagawa ng pot session ang dalagita at si Francia.
Narekober ang nasa P200,000 halaga ng shabu sa mga suspek.
Nakakulong pansamantala sina Gaton at Francia sa detention facility ng RDEU, habang itu-turn over naman sa DSWD ang dalagita.