Minanyak ng isang jeepney driver ang isang dalagita nang mapadaan sa kinaroroonan ng suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat nina PO1 Gene­vive Huagon at PO1 Frances May Sansano ng Caloocan City Police-Wo­men and Children Protection Desk (WCPD) ganap umanong alas-otso pasado ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng 6th Avenue, Barangay 49 ng nasabing lungsod.

Naglalakad ang biktima pauwi nang bigla na lamang umano siyang hablutin ng suspek na nakilalang si Julyuse Ernie Alonzo, 34-anyos ng Area F, Parola Compound, Tondo, Manila.

Binitbit ng suspek ang biktima sa isang madi­lim na lugar sa Baltazar Street, Barangay 49 at doon ay inumpisahang ipasok ang kanyang kamay sa suot na damit ng dalagita at paghahawakan ito sa maseselang bahagi ng katawan.

Takot na takot at na­bigla ang biktima nang gawin sa kanya iyon ng suspek ngunit hindi makapalag dahil nakapulupot sa kanya ang suspek at mas malakas ito sa kanya.

Nang ipasok umano ng suspek ang kanyang daliri sa ari ng biktima ay doon na ito nagpupumiglas hanggang sa makatakbo at makahingi ng saklolo sa kanilang barangay na agad namang rumesponde at naaresto ang suspek na kinasuhan ng acts of lasciviousness.

One Response