Nagharap ng reklamo sa pulisya ang isang 14-anyos na dalagita matapos paulit-ulit na halayin ng kanyang sariling ama sa Lucena City.
Batay sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Aida, walong taong gulang pa lamang siya nang simulang galawin ng kanyang ama.
Patuloy umano itong nangyayari sa tuwing malalasing ang suspek.
Pinakahuli umano siyang ginalaw ng kanyang tatay noong June 30, 2017.
Nitong July 7, sa kabila ng pagbabanta ng suspek ay nagkalakas-loob ang biktima na ipagtapat sa kanyang ina ang kabuhungang ginagawa ng kanyang tatay.
Inihahanda na ngayon ng mga awtoridad ang kasong isasampa laban sa suspek.