EDISON REYES
Kapag aniya nakuha na nila ang tiwala at maging malapit ng kaibigan ang kanilan bibiktimahin, dito na nila yayakagin sa isang inuman ang biktima at kapag tuluyan ng mawalan ng malay ay tsaka nila halinhinang gagahasain at gagawan ng iba’t bang uri ng kababuyan habang kinukuhanan ng video.
Dagdag pa ni Supt. Magdaluyo, nakatanggap din sila ng impormasyon na nilalagyan ng valium o ativan na kabilang sa mga gamot na pampatulog ang alak na ibinibigay nila sa babaeng kainuman upang kaagad na tablan ng kalasingan at tuluyang mawalan ng malay-tao.
Sa oras aniyang mawalan na ng ulirat ang kanilang mga biktima, dito na nila sisimulang pagsamantalahan hanggang magising na lamang ang babae na wasak na ang kanyang kapurihan at hindi batid kung sino ang gumawa sa kanya ng kapangahasan.
Sa panayam naman ng TUGIS sa magkapatid na sina Prince Jomari at Paul Cedrick, ikinaila nila na kabilang sila sa mga humalay kay Rocel bagama’t inamin nila na batid nilang may nangyaring hindi maganda sa kanilang kaibigan.
Ayon pa kay Prince Jomari, kinumutan pa niya ang dalagita nang makita ang hubo’t hubad nitong katawan habang naawa naman sa biktima ang nakababata niyang kapatid nang makitang pasuray-suray pa sa paglalakad pauwi ang kaibigan.
May hinala naman ang pulisya na posibleng wala pa sa wastong katinuan at sapat na lakas si Rocel nang magtungo sa kaibigang si John Michael para magpatulong sa paghanap sa nawawalang cellular phones.
Sinabi ni PO1 Soliven na maaaring sinamantala ni John Michael ang tila wala pa sa katinuang kalagayan ni Rocel nang isama niya sa kanilang bahay ang biktima, patunay ang inihayag ng kaibigan nitong si Paul Cedrick na pasuray-suray pa ang dalagita nang maglakad pauwi kaya’t nakonsensiya siya.
Matapos namang mabigo ang kapulisan na madakip ang tatlo pang magkakamag-anak na sina Jerald Andrew at Elmer na itinuro ni Gonzales na kabilang sa humalay kay Rocel, pinangunahan na nina SPO2 Bernales at PO1 Soliven ang pagsasaayos ng mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga naarestong suspek.
Sinabi ni PO1 Soliven na iniutos na rin ng kanilang hepeng si Supt, Magdaluyo na isama ang robbery o pagnanakaw sa paghahain nila ng kaukulang kaso laban sa mga naarestong suspek makaraang hindi na mabawi ng biktima ang kanyang nawawalang cellular phone na may nakaipit pang P500 nang pagbalikan siya ng malay makaraang mawalan ng ulirat sa kasagsagan ng kanilang pag-iinuman.
Bukod sa robbery, kasong Rape sa ilalim ng Republic Act 8353 o Anti Rape law in relation to
Republic Act 7610 o ang Speical Protection against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang isinampa ng pulisya laban sa mga suspek,
Karagdagan namang kasong paglabag sa Republic Act 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang isasampa laban kay John Michael Carmelo dahil sa ginawa niyang pagkuha ng video kay Rocel habang isinasagawa ng dalagita ang pag-oral sex sa kanya. (Itutuloy)