Nilango muna sa alak ng isang Grade 9 pupil ang kainumang 14-anyos na dalagita bago nito dinala sa banyo at ginahasa sa Malabon City, Miyerkoles ng gabi.
Sa ulat kay Police Col. Jessie Tamayao, hepe ng Malabon Police, kinasuhan ng Rape in Relation to R.A. 7610 ang suspek na si Rogelio, 17, taga-Navotas City.
Sinamahan naman ng kanyang ina sa tanggapan ng Women’s and Children Concerned Desk (WCPS) ng Malabon Police, ang biktimang itinago sa pangalang ‘Gel’ kaugnay sa isinampang kaso nito.
Kuwento ng dalagita, alas-sais ng gabi, nagkaayaan ang kanilang grupo na mag-inuman sa bahay ng isa nilang ka-tropa sa Balut St., Brgy. Hulong Duhat, Malabon City.
Nakaubos sila ng dalawang bote ng gin kaya lasing na lasing si Gel.
Nang magtungo sa banyo ang dalagita, palihim itong sinundan ng suspek at doon na hinalay.
Nagtungo sa barangay hall ang nanay ng dalagita at dinakip si Rogelio sa loob ng bahay nito. (Orlan Linde)