Dalagita pinapak ng 3 tropa

Tatlong menor de edad na lalaki ang dinakip ng pulisya matapos umano nilang halinhinang halayin ang isang 16-anyos nilang kabarkada na hanggang ngayon ay ‘di pa makuhanan ng pahayag dahil sa sinapit, kamakalawa sa Pasay City.

Sa detention cell ng Pasay City Police bumagsak ang mga suspek na may edad na 14, 15 at 16 na pawang mga taga-
Maciban at Malibay ng naturang lungsod.

Samantala, ang dalagitang biktima ay isina­ilalim sa medical examination sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police, alas-4:45 ng hapon nang madakip ng kanyang mga tauhan ang mga salarin sa tirahan ng 14-anyos na suspek sa Barangay 184, Maricaban sa ikinasa nilang follow-up operation matapos makatanggap ng report ang mga pulis na nagkaroon ng insidente ng panggagahasa sa nabanggit na lugar.

Kaagad na nirespondehan ng mga pulis ang lugar at positibong hinalay ng mga menor de edad ang biktima na kapwa rin nila menor de edad.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin makausap ng mga awtoridad ang biktima na iyak nang iyak dahil sa mapait na sinapit mula sa kamay ng tatlong suspek na ngayo’y dinala na sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sasampahan ng kasong rape.