Dalagita pinulutan ng apat sa inuman

Matapos makipagwalwalan, panggagahasa sa apat na lalaki ang inabot ng isang dalagita sa loob ng sementeryo sa Barangay Calamagui North, Sta Maria, Isabela noong Miyerkules.

Ayon sa Sta. Maria Police Station (SMPS), base sa arrest warrant na ibinaba ni Judge Felipe Jesus Torio III ng Regional Trial Court (RTC), Branch 22, Cabagan, Isabela inaresto ang mga suspek na hindi muna pinangalanan dahil sa follow-up investigation.

Sa court record, walang inirekomendang piyansa para sa temporaryong paglaya ng apat na suspek.

Sa imbestigasyon, ayon kay SMPS commander P/Capt. Rogelio Natividad, unang inaresto ang dalawang suspek at itinuro nila ang dalawa pang kasamahan nito na nasa listahan ng wanted person municipal level.

Ayon sa sinumpaang salaysay ng 16-anyos na biktima, bago ang insidente ay nag-inuman ang apat na suspek kasama siya. Nang malasing ang biktima, puwersahan siyang (biktima) dinala sa isang sementeryo at doon pinilahan ng apat. Nang makaraos ay iniwan ito sa loob ng sementeryo.

Agad na nagsumbong ang dalaga sa kanyang mga magulang sa SMPS na agad na gumawa ng hakbang upang madakip ang mga suspek.

Napag-alaman na ang dalawang suspek na most wanted ay nagtago sa Manila ngunit sila ay bumalik sa bayan ng Sta. Maria at inabot ng enhance community quarantine (ECQ) kung saan sila ay naaresto. (Allan Bergonia)