Dalang shabu buking! 3 nagpanggap na frontliner arestado

Kalaboso ang tatlong lalaking nagpanggap ng mga frontliner na nakuhanan pa ng iligal na droga sa isang checkpoint para sa enhance community quarantine (ECQ) sa Guiguinto, Bulacan noong Miyerkoles.

Kinilala ng Philipine National Police (PNP) ang mga suspek na sina Julius Francisco at mag-amang Andres Marcolita at anak na si Roy Aldrin Marcolita.

Ayon sa report ng PNP, Wala umanong maipakitang ID ang mga suspek na magpapatunay na sila ay mga frontliner.

Sinabi ng awtoridad na tanging quarantine pass lang ang dala nila na hindi pa nakapangalan sa kanila.

Bukod sa pangpapanggap, nahulihan din ang mga suspek ng drogang nagkakalahaga ng P800,000 matapos silang makapkapan.

Aminado si Francisco na namomorsiyento siya sa mga nagpapabenta sa kaniya ng droga at depensa naman ni Roy Aldrin ay nadamay lang siya habang hindi nagkomento ang ama nito. (Allan Bergonia)