Swak sa kulungan ang isang babae nang makuhanan ng hinihinalang shabu na tangka sanang ipuslit para sa dadalawin nitong preso sa Dasmariñas City, Cavite.

Kasong paglabag sa Section 12 ng RA 9165 ang isinampang kaso laban sa suspek na si Melody Florana, 39, ng Brgy. Ani­ban 2, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat pulisya, dakong alas-3:30 Sabado ng hapon nang dadalaw sana ang suspek kay Isagani Ordonez na nakakulong sa Bacoor City Custodial Center dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.