Pasok sa Halloween ang kuwento tungkol sa bahay ng isang ganda-gandahang aktres (GGA).
May isang may nalalaman sa kababalaghan ang nagkuwento sa aming source na may nakikitang multo ng dalawang bata sa yayamaning house ni GGA.
Ayon sa tsika ay dalawang paslit na kaluluwa ang nakitang tumatakbo-takbo at naglalaro sa bahay ni GGA.
Hindi namin sure kung aware si GGA na may ganu’ng paranormal na eksena sa mismong bahay niya dahil feeling namin ay matatakutin ang aktres, so posibleng hindi ito ipinapaalam sa kanya.
In fairness ay walang anumang post sa social media si GGA na may kakaiba siyang nakikita o nararamdaman sa bahay niya. Baka sa mga sensitibo lang sa mga ganitong bagay nagpapakita ang mga ghost kid.
Gandara at talagang yayamanin ang house ni GGA, so parang nakakalokang isipin kung totoo ngang may paranormal sightings sa magandang tahanan na ‘yon.
Medyo weird din na kinokonek sa isang personal na pinagdaanan ni GGA ang dalawang bata na ‘yon na sinasabing nagmumulto.
Lehitimong pangmayaman ang bahay ni GGA, na matatagpuan sa isang lugar na hindi biro ang halaga ng mga property.
Ang sinasabi ni GGA ay galing sa mismong pera na naipon niya ang pinambili ng lupa at pinampatayo niya ng kanyang dream house.
Pero ayon sa isang source ay sa karelasyon ni GGA nanggaling ang milyones na ipinambayad sa lahat ng ‘yon.
At sa mahal at ganda ng nasabing bahay, ito ‘yung tipo na panghihinayangan mong iwan o ipagbili kahit malaman mong merong nagmumulto rito!
***
Paolo-LJ may kasamang bastusan ang usapan
Ang suwerte ni Paolo Contis na siya ang napiling maging leading man ni Alessandra de Rossi sa pelikulang “Through Night & Day” dahil nakarating siya ng Iceland kung saan sila nag-location shoot.
Thankful si Pao na siya ang kinuha for the role dahil sumakto raw sila ni Alex sa mga karakter nila, na matagal nang magsyota, so medyo madalas mag-away at magkaasaran.
Bagay dahil matagal na silang friends ni Alex in real life. Sa movie ay 14 years na silang magkarelasyon, so totoo silang mag-usap na may kasamang bastusan.
Galing mismo kay Paolo ‘yung mga ad lib niyang bastos, na minsan ay nalolokah ang direktor nilang si Direk Roni Velasco sa humor ni Pao na may konting rudeness dahil totoo raw kasi.
Ani Pao, parang ganu’n sila mag-usap in real life ng nobya niyang si LJ Reyes. Matagal din sila kasing magkaibigan ni LJ bago naging sila, so wala raw silang taguan at walang paswit-swit, mas totoo sila sa isa’t isa.
Balak niyang dalhin si LJ si Iceland dahil ang ganda raw ng lugar kahit sobrang lamig.
Sa January manganganak si LJ ng baby girl nila ni Paolo. Dito lang daw at hindi sa New York gaya ng first baby ni LJ na si Aki, para maalagaan niya ito.
Sa November 14 ang showing ng “Through Night & Day” in cinemas nationwide mula sa Viva at OctoArts Films.