tonite-pak-allan-diones

Kahapon ang 18th birthday ng daughter nina ­Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na si Frankie, pero nu’ng Saturday night ginanap ang bonggang debut party nito sa Shangri-La at the Fort.

Pulang-pula ang gown ni Simone Francesca ­Emmanuelle na gawa ni Mark Bumgarner. Si Frankie ang panganay nina Sharon at Kiko na very proud si Shawie at puring-puri nito ang pagiging good, respectful and grateful daughter.

Ang ganda ng family pic ng debutante kasama ang kanyang parents at mga kapatid na sina KC, Miel at Miguel.

Kasama ni KC sa party ang kanyang French boyfie na si Pierre Emmanuel Plassart na lumipad pa from Paris.

Ang sabi ni Mega sa kanyang Instagram post, very personal at non-showbiz ang party ni Frankie. Ang stars lang daw na nandu’n ay sina Ara Mina, Sunshine Cruz at Leila Alcasid.

Naki-party rin ang mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby, na marunong nang mag-socialize kahit hindi kasama ang kanilang madir na madalas ay maysakit.

Na-touch si Shawie dahil ang two boys daw ni Kris ang nag-escort sa kanya papasok sa Shangri-La BGC ballroom.

First dance ng debutante ang ama nitong si Senator Kiko at second dance ang little brother na si Miguel.

Nag-duet ng “The Way You Look Tonight” sina ­Sharon at Kiko.

Si Frankie ay super-sing sa kanyang debut, na karamihan ay old songs dahil ‘old soul’ daw ito, sabi ng kanyang Mama Shawie.

Komportableng-komportable si Frankie na mag-perform sa stage, namana ang confidence ng kanyang Megastar mom.

Nag-duet sila ng “A Million Dreams” ng younger sis niyang si Miel, na in fairness ay may boses din, kaya tuwang-tuwa si Sharon.

Sobrang tuwang-tuwa at ‘grateful beyond words’ ang debutante sa natanggap nitong birthday gift mula kay Kris Aquino.

“I just wanna say, Tita Kris, thank you so, so much for all of these makeup. I am a makeup ­addict and you got it spot on.

“I don’t think I’m ever gonna have to buy lipstick again. Thank you so much, my heart is so full and I’m so blessed. Thank you,” bulalas ni Frankie sa kanyang IG Story.

Tyra Banks bilib sa Miss U Pinoy Power

Feeling holiday today ang sangkabekihan dahil sa Miss Universe 2018 pageant na magaganap live ngayong umaga mula sa Bangkok, Thailand.

Liyamado ang ating pambato na si Miss Universe-Philippines 2018 Catriona Elisa Magnayon Gray na nangabog nang husto nu’ng premilinaries.

Ultimo si Tyra Banks ay napa-tweet ng “I mean… Pinoy Power to the Max!!!” sa video ng kabogerang pagrampa ni Catriona nu’ng prelims.

Nagulat at napa-“OMG!” si Cat sa comment na ‘yon ni Tyra at siya raw mismo ay hindi niya in-expect na ganu’n ‘yung magiging impact ng pagrampa niyang ‘yon.

Trending ang ‘slow-mo turn’ ni Cat na biglang nauso at ginagaya ngayon ng ­pageant-crazy netizens.

Pati mga taga-ibang bansa ay ini-immitate ang bonggang ikot niya na ‘yon with matching windblown effect sa hair.

Kuwento ni Cat kay MJ Marfori ng TV5, nilapitan siya ni Miss India at sinabi sa kanya na isang Indian newspaper ang naglabas ng kanyang much-talked about walk.

Taruzsh!

Kung pinuri ang Ibong Adarna-inspired gown ni Catriona sa prelims, mas pangabog daw ang gown niya sa finals na 12 ang kulay at gawa pa rin ni Mak Tumang.

Bawat outfit ni Cat ay pinag-isipan at may ibig sabihin, so kaabang-abang ang paandar niya sa finals ngayong umaga.

Pinupuri bawat galaw, pagsasalita, pati pag-smile at pagiging warm ni Cat sa lahat ng fans. Sobrang bait at charming ng ating kandidata, ang layo sa mga tinaguriang ‘Mean Girls’ na sina Miss USA, Miss Australia at Miss Colombia na inokray ang pagsasalita ng English nina Miss Cambodia at Miss Vietnam.

Buti ay nag-apologize na ang mga ito at na-realize ang pagkakamali nila. Bigla tuloy naging underdog sina Cambodia at Vietnam, na ang ­dating ay binu-bully ng mga maldita nilang kasamahan.

Sobrang prepared si Catriona sa labang ito at kita mong ine-enjoy niya every moment at tila wala siyang kapaguran.

Sambit ng hinuhulaang magiging 4th Miss U from the Philippines, “I’m really going to give my best and I just pray that the judges really get a sense of who I am.

Because we are onstage and you know, I believe an aspect of luck is there.

“If it’s your time, it’s your time. It’s someone’s fate, it’s someone’s destiny. If it happens to be mine, I just pray that I’m able to show the universe who Catriona is and also show them what Philippines is, who we are.”

Suportado si Cat doon sa Thailand ng kanyang pamilya, pati na ng hunky model boyfriend niyang si Clint Bondad.