Nagkakahalaga ng $25,000 ang daliri ni Joel Embiid ng Philadelphia 76ers.

Biglang umigkas ang middle finger ng ­Sixers center sa court, nakapagbitaw pa ng hindi magandang pana­nalita sa live television interview.

Ang resulta: $25,000 multa mula sa NBA.

“(Amount) reflects his multiple prior violations of acceptable ­on-court decorum,” ­paliwanag ng liga.

Nag-dirty finger si Embiid 17 seconds na lang sa 129-112 win ng Philly kontra Atlanta Hawks noong Martes.

Kuntento na si ­Embiid matapos maglista ng career-high 49 points, dini-dribble na lang ang bola para ubusin ang oras. Bigla, mula sa likod ay ninakawan siya ni Kevin Huerter. Kasimbilis din ng steal ang pag-finger ni Embiid, pero nang maisip marahil ang mali ay humingi ng paumanhin.

Sa postgame interview, klinaro ni Embiid ang hiwalay na pahayag nang magbuhat ng sari­ling bangko at ideklara ang sarili na siya ang best player in the world pagkatapos ng isa pang maangas na performance kontra Brooklyn noong isang linggo.

Ang pagmumura niya sa interview na ‘yun ang isinama sa multa. (VE)
“When I made that statement, I didn’t actually say that I was. I said that being with some of the best players in the world (at the All-Star Game) and I proved myself, that’s what I said. But yeah, f*** it – my bad (for cursing) – I do believe it,” ani Embiid. (VE)