Ang pamamaslang ng mga drug dependents at mga nasa pinaka-ibaba ng industriya ng droga ay isang artipisyal na pagtugon sa isang suliranin na may mas malalim na ugat.

Hangga’t walang ­lunas sa kahirapan, kahit­ maubos ang lahat ng l­ulong sa droga, may malak­i pa ring bulto ng lipunan ang madaling ­matulak sa buhay-krimen at pag-abuso ng droga.

Hindi rin masay­a ­maging si Pangulong­ ­Rodrigo Duterte sa mataas­ na bilang ng mga ­napapatay dahil sa ­pinaigting na kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay presidential spokesman Ernesto­ ­Abella, concerned at nababahala na ang ­Pangulo. “No, he is not happy, he is deeply and profoundly concerned,” pahayag ni Abella.

Pero ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, naa-appreciate ng Pangulo na tumataas na ang kama­layan ng taumbayan sa sitwasyon at sa lawak ng problema ng iligal na droga­ sa Pilipinas.

May matimbang na punto rin ang sinasabi ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates. Sinabi nilang kung ngayon pa lang, wala nang halaga ang buhay ng kapus-palad, paano pa kaya ang pagbigay ng pangunahing serbisyo sa kanila upang maigpawan ang kahirapan?

Malinaw na ang kawalan ng tugon sa kahirapan­ ang siyang lumikha ng malalaking suliraning panlipunan kasama na ang laganap na krimen at pagkalulong sa droga.

May direktang kaugnayan ang pagbaba ng krimen­ at pag-abuso sa droga sa pagtaas ng antas ng pamumuhay.

Tatlumpong taon makalipas ang EDSA ay patuloy at paulit-ulit na pinabayaan ng mga ­nakaraang adminstrasyon ang higit na nakararaming Pilipino na lugmok sa kahirapan.

Silang nasadlak sa pagkalulong sa droga­ ay nagsilbing merkado­ at mga pangunahing biktima­ ng mga drug lord at protektor na may kaya at nasa puwesto ng ­pamahalaan.

Ang dami ng mga ­napapatay tungkol sa droga, sa pangkalahatan­ ay hindi natin dapat ikatuwa, dahil mas ­mahalaga ang pagtugon sa ­kahirapan bilang pangunahing dahilan ng mga suliraning ito, sa pamamagitan ng pagtitiyak ng mga pangunahing serbisyong panlipunan at oportunidad.

11 Responses

  1. HINDI KAMI NATUTUWA……KAMI AY TUWANG TUWA AT HAPPING HAPPY…DAHIL KAHIT HINDI MAUBOS MGA DIMONYO..MABAWASAN MAN LANG SILA AT MATAKOT SILA KAHIT KONTE…..HINDI ANG TAONG BAYAN ANG NATATAKOT SA KADIMONYOHAN NILANG MGA ADIK!!!!

  2. Ehh ano masasabi mo sa mga mayayamang gumagamit ng droga. Siguro nag solvent ka no tsk tsk tsk tapos tatawagin mo sarili mong reporter. Insane mind nakakatakot yan Mr. Gani Oro read your article before you publish it …