PINAG-UUSAPAN ng dancers na kasali sa isang show sa ibang bansa ang pagiging bongga sa kadatungan ng magandang young actress.
May pinaghahandaan kasing production number si magandang young actress na iba-back-up nito ang kilalang dance group.
Bago sila tumulak pa-abroad, kailangan na nilang mag-rehearse dito.
Ang problema, sobrang busy ni young actress at wala itong maibigay na schedule.
Ilang beses silang nagpapa-schedule pero hindi pumupuwede si young actress.
Para hindi na sila mangulit, sinabi na lang ni young actress na doon sa bansang pagtatanghalan nila na sila mag-rehearse.
Sabi pa nito, huwag silang mag-alala dahil siya na ang magbabayad sa dancers na magbibigay ng ekstrang oras para sa rehearsal.
Willing si young actress na magbayad ng extra pay in dollars dahil sa ibang bansa na sila magtatrabaho.
Natulala ang dancers sa offer ni young actress.
Totoo kayang may sobrang madatung na benefactor ito kaya nakakapaglabas siya ng malaki halaga ng dollars na ibabayad sa dancers?
Mayaman ang pamilya nitong young actress at kumikita siya, pero ang ganu’ng additional gastos na kaya niyang i-shoulder ay nakakagulat sa isang batang aktres na kagaya niya.
‘Kainggit!