Dances of the World, Tara Byahe Tayo musical inilunsad

Para sa benepisyo ng mga anak ng empleyado at hindi empleyado na scholar, inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang isang international dance at musical competition sa Pasay City kahapon.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni PAGCOR Chairman at CEO Andrea Domingo, na pinamagatang “Dances of the World, Tara Byahe Tayo Musical” .

Ang dance musical ay sayaw mula sa iba’t ibang bansa tulad ng China, Thailand, Argentina, France, Mexico, French Polynesia, USA, Branzil, South Africa at India. Lalahukan ng PAGCOR employees mula sa Corporate Offices, Casino Filipino bran­ches at Satellite Operations Group (SOGs), na gaganapin sa Nobyembre 9 (Friday) alas-siete nang gabi sa CCP Tanghalang Nicanor Abelardo sa Pasay City.

Nasa 10 grupo ang maglalaban, mula sa Bacolod, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Pampanga, Tagaytay at Metro Manila. Sa magwawagi sa competition, ang champion ay tatanggap ng gantimpalang P200,000.00 cash, trophy at certificate; P150,000.00 para sa first runner-up; P100,000.00 sa second runner-up at P50,000.00 para sa non-winning group.

Magpapa-raffle din ang PAGCOR sa mga audience o mga manonood, na ang grand prize ay isang brand new Toyota Innova na nagkakahalaga ng P1.5 million, P500,000.00 ang 2nd prize at P300,000 para sa 3rd prize.

Ang naturang programa aniya ay para sa benepisyo ng mga anak ng empleyado na mahirap, na scholar at may mataas na grado. Maaari ring makatanggap ng benepisyo ang hindi mga empleyado ng PAGCOR, na anak ng mahirap, subalit mataas ang kanilang mga grado.