Dancing Partners matikas sa Abante Cup

IPINAKITA ni Dancing Partners ang ang kanyang tikas sa banderahan matapos angkinin ang panalo sa “Abante Cup” Three-Year-Old & Above Maiden Race na pinasibat sa pang-apat na karera kahapon sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Hinablot agad ni Dancing Partners ang unahan paglabas ng aparato pero binuliglig siya ni Shining Star hanggang sa huling kurbada.

Pagdating ng rektahan ay lalo pang tumapang para kumuha ng unahan si Shining Star pero naging matatag si Dancing Partners, tinawid nito ang meta ng may tatlong kabayo pa ang agwat.

Nirehistro ni Dancing Partners ang 1:14.4 tiyempo sa 1,200-meter race.

Nakopo nig owner ni Dancing Partners ang P10,000 na added prize mula sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM) habang P5,000 ang inuwi ng owner na si NO Velasco.

Sumegundo si Shining Star, tersero si I Love Matty habang pang-apat si Ibang Ingay. (Elech Dawa)