Hindi lang sa volleyball na-in love si University Athletic Assciation of the Philippines (UAAP) volleyball star Danielle Therese ‘Dani’ Ravena kundi pati na rin sa Canadian pop icon Justin Bieber.

Sa kanyang Twitter post, isang throwback photos ang ipinasilip ng 20-year-old, 5-foot-5 libero ng Ateneo Lady Eagles kasama ang kanyang koleksyon ng Justin Bieber posters.

Isa sa imaheng ipinakita ng balebolista ang kanyang pag-kiss sa poster nang bantog na mang-aawit na bumisita sa bansa sa pamamagitan ng kanyang ‘My World Tour’ concert noong 2011 sa Mall of Asia Arena, Pasay.

Humirit naman si Ravena sa kanyang tweet ng “Fake fans dawg. Tsk. @justinbieber love u long time.” (Janiel Abby Toralba)