tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Dahil isa siya sa dahilan kung bakit sold out ang maiden issue ng Celebrity Radar, siya kasi ang cover boy at center piece story, congratulations are in order para sa young superstar na si Daniel Padilla na all-out ang suporta sa pelikulang paparating ni Kathryn Bernardo, ang Three Words to Forever.
Mula storycon, media con, pati sa shoo­ting nito, nakasuporta talaga ang binatang nagmamahal kay Bernardo.
Ayon sa mga balita, dumalaw si Padilla sa location shoot ng mo­vie sa Ormoc City para kausapin ang katambal ni Kath na si Tommy Esguerra para mapalagay ang loob nito. Alam ni Daniel na trabaho ang ginagawa ng kanyang iniirog, walang perso­nalan.
May katotohanan nga kaya ang chika na halos limang araw itong namalagi sa Ormoc habang nagsu-shooting ang kanyang kasintahan? Ang panalo pa sa chika, hindi nang-aagaw ng atensyon ang binata, observer at support his lovely miss status lang talaga.
Walang duda na may pa-block screenings si Daniel at ang kanilang avid fanatics para sa highly anticipated na pelikula.
Sa true lang, wise move ang ginawa ng mga taga-Star Cinema na after a  box office hit movie with Padilla, ipinareha si Kathryn sa iba. Mapapatunayan na niya kasi ngayon na she can stand on her own at maipapakita niya sa lahat ang kanyang improvement, lalo na sa pag-arte.
At walang halong pambobola, she shares good chemistry at believable sila ni Esguerra bilang young couple na excited magpakasal at simulan ang kanilang happily ever after.

Ang pangarap kong flop

Lumabas ang tsika na hindi matutuloy umano ang pagpapalabas ng ‘Ang Pangarap Kong Holdap’ dahil nga ang mga theater ow­ners daw, umalma sa tila negatibong titulo nito?
Ibang klase na rin pala ang power ng mga theater owners, huh! First time yata sa kasaysayan ng isang pelikulang Pinoy na muntik na hindi maipalabas dahil lamang sa pamagat?
Kung sabagay, kung ako rin naman sa mga taong bumubuo sa nasabing pelikula, I will not even take a chance nor gamble na ipalabas pa sila lalo na nga’t ang pangmalakasang Three Words To Forever ang kanilang kasabay. Kung may natitira pa silang pride at sense, huwag na nilang i-push pa ang showing nila.
Hindi uso sa mga ci­nema audience natin na dahil iba ang putahe na they are offering eh sila ang papanoorin lalo na kung OA sa haba ang pila sa Richard Gomez, Kathryn Bernardo at Sharon Cuneta movie.
Walang duda na more than 200 theaters nationwide tiyak ang Star Cinema movie at baka sa kapipilit nilang ipaglaban ang kanilang obra, imbes na ‘holdap,’ ang pangarap kong ‘flop’ ang kasasapitan ng kanilang pelikula.
Kung sabagay, ang mga bida naman sa Pangarap, sanay sa flop and let us count the ways, si Pepe Herrera, bida sa The Hopeful Romantic, katambal si Ritz Azul, luhaan.
Si Jerald Napoles, bida sa pelikulang The Write Moment, katambal si Valeen Monteneg­ro, lugami.
Si Jelson Bay, maraming mga supporting role na ang ginawa, may tumatak na ba talaga?
Kung sakaling mag-flop nga ang kanilang Pangarap, sanay na naman yata ang mga bida nito na hindi laughing their way to the bank ang kanilang mga producer, kundi crying, walling and wailing matapos na mag-first day, last day ang kanilang mga movie na sila ang mga lead.