ROMMEL PLACENTE: Pinipilahan ngayon sa takilya ang latest offering ng Star Cinema na ‘Three Words To Forever­’ na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta, Richard­ Gomez at Kathryn Bernardo.

Sa unang araw pa lang na ipinalabas ito ay kumita na agad ng P6.5 million. Hanggang ngayon ay super dami pa rin ang nanonood nito.

Pinatunayan lang nito na nasabik ang mga tagahanga nina Sharon at Goma na muli silang mapanood sa wide screen. Buhay pa rin talaga ang kanilang mga tagahanga na hanggang ngayon ay sinusuportahan sila kahit hindi naman sila ang nagkatuluyan.

Pero may mga nari­rinig kami, na ang pre­sence daw sa pelikula ni Kathryn ay malaking tulong kaya kumita ang nasabing pelikula.

Kung basta Richard-Sharon movie lang daw ito, ay hindi ganoon kalaki ang kikitain nito. Libo-libo raw kasi mga tagahanga ng young actress at ng loveteam nila ni Daniel Padilla. At talagang lumusob daw ang mga ito sa mga sinehan na showing ang pelikula para lang suportahan si Kathryn.

Si Kathryn daw talaga ang mas nagdala ng pelikula. Well, totoo nga kaya ito? Matatangap kaya ito ng mga Sharon-­Goma diehard fan o ng mga Sharonian?­ In fairness, isa rin sa factor kung bakit kumita ang pelikula ay dahil sa ganda nito.

 

RODEL FERNANDO: Actually, marami ang kinabahan baka raw hindi kikita ang movie dahil hindi kasama ni Kathryn si Daniel.

Pero hayan pinipilahan na ang pelikula at masasa­bing malakas pa rin ang tambalang Sharon Cuneta at Richard Gomez. Naniniwala kami na hindi lang si Kathryn ang nagdala sa pelikula. Isa pa, basta gawang Cathy Garcia-Molina ay inaaba­ngan na ng mga tao iyan.

Masasabing maganda talaga ang career ni Sharon dahil mula sa kaniyang successful na concert at album ay eto umariba na naman siya sa pelikula. May napansin lang kami, mukhang pagod na pagod ang hitsura ni Richard sa screen. Sigu­ro sa dami na rin ng kaniyang trabaho bilang mayor ng Ormoc. Nawala tuloy ang kaniyang kaguwapuhan na sinamba ng kababaihan at kabadi­ngan bilang Adonis ng lokal na ali­wan.

 

RONALINE AVECILLA: Para sa akin, malaki ang naging kontribus­yon ni Kathryn Bernardo sa pelikula. Wala man si Daniel Padilla ay palagi naman siyang sumusuporta para sa girlfriend.

Maski shooting at mga mall tour ay nand­yan siya. Maging ang premiere night nga ni Kath ng pelikula nila sa Los Angeles ay sumama rin sa Daniel. Hitsurang chaperone lang siya ng aktres.

Iniintriga tuloy na guwardyado ni DJ si Kath dahil sa partner nito na si Tommy Esgue­rra.

Anyway, talagang ramdam pa rin ang pre­sence ng KathNiel dahil na rin sa all-out support ni DJ sa aktres. Kaya para na ring naging parte siya ng pelikula.

 

MILDRED A. BACUD: Well for a Kathryn movie, expect always a double digit million sa first day. Her last mo­vie The Hows Of Us with Daniel Padilla earned P35.5 million sa ope­ning day. Malayo sa P6.5 million ng first day ng Three Words To Forever. Well, hindi naman puwedeng pagkumparahin dahil pelikula rin ito nina Richard Gomez at Sharon Cuneta pero big factor ang aktres para tangkilikin pa rin ang nasabing pelikula.
Si Direk Cathy Garcia­ pa ang direktor na kilalang blockbuster director din.

Hindi na nga naabu­tan ng mga millennial ang kasikatan ng Sharon Richard no’n pero visible pa rin naman sila sa showbiz. Magpasalamat na lang din talaga sa presence ni Kathryn sa pelikula. Sa sobrang suporta ng mga fan kaliwa’t kanan din ang mga pa-block screening nila. Marami rin kasing solo fans ang aktres tulad ng KB Buddies kaya talagang aasahan ang buhos na suporta sa kanya kahit hindi ito pelikula ng KathNiel.