Daniel hinamon si Kathryn

NI: VINIA VIVAR

Ngayong quarantine ay nahihilig pala si Daniel Padilla sa paghahalaman at ito ang kanyang pinagkakaabalahan lately. Pati ang girlfriend na si Kathryn Bernardo ay ine-encourage na rin niyang magtanim.

“Ine-encourage niya ako na magtanim na rin ako ng mga halaman,” sey ni Kathryn sa guesting niya sa Magandang Buhay last Wednesday via video call.

“Sabi niya, mag-post daw ako, tapos, maggawa raw ako ng challenge pati sa mga fans na sa buong quarantine hanggang matapos, pagandahan kami ng halaman,” natatawa pang sabi ni Kathryn.

Kaya nga raw nung interbyuhin ng Magandang Buhay si Daniel recently para sa birthday nito ay puro halaman ang background.

“’Yan ‘yung happiness niya,” sey pa ni Kath.

Kaya ini-influence raw sila ni DJ, pati na ang pamangkin niyang si Lhexine dahil mahilig din ang bata sa nature.

“So, magtatanim na rin kami dito,” natatawang sambit pa ng aktres.

Sa ngayon ay LDR nga sila na ang sabi ni Melai Cantiveros ay “lockdown relationship” ang ibig sabihin pero constant ang communication nila at panay nga raw ang padala ni DJ ng pagkain sa kanila.

“Si DJ, parati niyang mine-make sure na mayroon kaming nakakain dito, kasi limited ang nakakalabas sa bahay, tapos, medyo wala rin ngayong magda-drive.

“So, minsan, siya ‘yung nagpapadala rito ng pagkain, mga delata, para maiwas na ‘yung paglabas namin, siya ‘yung nagpapadala rito,” kwento ni Kathryn.