tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioKung si Kathryn Bernardo, may Alden Richards, siyempre pa, hindi magpapakabog ang kanyang iniirog na si Daniel Padilla. How true kaya ang chikang nasagap ko na ang next movie ni Padilla, si Charo Santos ang kapareha?

Isang comedy movie daw ito ang working title, may katotoha­nan nga ba na “Ang Lalaking Dumukot kay Charo Santos?”

Isa pang sitsit, matapos kay Bernado, na super positive ang pagtanggap sa kanilang pagsasama ni Alden Richards, si Faulkerson, si Sarah Geronimo na nga ba ang susunod na kapareha?

And the chika even becomes more interesting. Nasa pipeline na nga rin ba ang pagtatambalang Daniel Padilla at Liza Soberano? Pasok na pasok raw ang tamba­lang maginoo pero medyo bastos na si Padilla sa sosyalin at gandang grows on you na si Liza Soberano.

Sa mga bagong pagtatambalang ito, ang pinakahigit na makikinabang ay ang mga manonood dahil mga exci­ting at potent kombinasyon naman talaga. Ang mga hanash at kuda mula sa mga makikitid ang pag-iisip at walang pang-unawa, hayaan na lang natin.

Ang importante, ang mga artista nabanggit sa mga proyektong ito na sa malapit na hinaharap mangayayari, ginagawa silang mas may katuturan at ang kanilang mga bituin, hindi lang kumukutitap, estrellang-estrella talaga.
***

Binibining Pilipinas bawal ang mga binabae?

Wala na bang bayag at titi si Iyah Mina? Kung siya nga ay nagka-sexual reassignment na, hindi na ako nagtataka kung bakit isa siya sa 10 best actress na nominado sa FAMAS. Kung hindi pa naman, dahil nga nagpapakababae naman si Iyah, lalo na sa pelikulang “Mamu Is A Mother Too,” baka naman ang mga powers that be sa FAMAS, in the spirit of political correctness, dahil nga lady boy naman si Mina, para sa kanila she so deserves to be in that roster.

Nakakaloka lang ang mga nominee ng FAMAS, very URIAN na sila, paramihan talaga. Sampu kung sampu ang magkabugan at magkakadagan para malaman kung sino ang mahusay, huh!

Balik tayo kay Iyah, kung sa FAMAS, non-issue na ang transwoman ay woman na talaga, how true nga kaya ang chika na sa Binibining Pilipinas, bawal pa nga rin ba ang transwoman candidates? Na kahit na nga na mismong sa Ms. Universe pa, umariba si Ms. Spain Angela Ponce sa only Catholic country in Southeast Asia, no can do pa rin para sa mga babaeng hindi natural born women na makarampa sa Bb. Pilipinas. ‘Di maisasakatupan ang pag-asam nila na after Catriona Gray, sila ang magmamaganda bilang Ms. Universe Philippines.

Maliban nga raw sa birth certificate, kailangan pa ngayon ang passport ng mga sumali sa Bb. Pilipinas para siguradong-sigurado ang pagiging babae at pagkababae nito? Ang mga lea­ding transwoman at transgender sa Pilipinas nating mahal, tulad nina Iyah, Trixie Maristela, Francine Garcia, Mimi Juareza, Kevin Balot at Cataleya Surio, may eme kaya sila sa pangyayaring ito?

Si Iyah more chances of winning kaya siya sa FAMAS o sa tunay na babae rin ito bibigay?

Sa GEMS Hiyas ng Sining Awards sa Huwebes, dadalo si Iyah para tanggapin ang kanyang best actor trophy. May pasabog na statement kaya si Mina sa kanyang acceptance speech o sa pagkakataon na siya ay tinawag na para tanggapin ang tropeo, dun kaya siya umeksena na hindi niya ito tatanggapin dahil pambabastos ang best actor trophy sa kanyang kaibuturan na babae talaga siya, sa isip salita at gawa? Na may chance kaya siyang kantahin ang anthem ni Tuesday Vargas na may mga letrang “Babae po ako…. Hindi ako bakla!”

Pasabog ang ganyang mga scenario ‘pag nagkataon, huh. Ang isa ko pang curiosity, ang mga babaeng kapwa nominado ni Iyah sa FAMAS, may kuda kaya sila tungkol dito? Ang mga lalaking tinalo ni Mina sa GEMS, cool and chill lang ba sila as cucumber at ayaw nilang magpaka-patola? How phallic naman the vegetable association, huh. Hahahaha!