NI: VINIA VIVAR

May mensahe ang mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla sa lahat ng mga taong nagbubunyi at ginagawang katatawanan ang nangyayari ngayon sa ABS-CBN.

“Sa mga kaibigan, kamag-anak at kakilala ko dito na ginagawang katatawanan ang nangyayari sa ngayon sa ABS-CBN, ‘wag kayong mag-alala dahil hindi ako nakakalimot,” ang pahayag ni Daniel.

Inirepost ito ni Karla at sinegundahan ang sinabi ng anak.

“Oo ako rin anak! Bilog ang mundo at lahat ay lumilipas.nakikita ni LORD lahat yan,” caption ni Karla.

Marami namang netizens ang nagbigay ng suporta sa pahayag ng mag-ina especially ang mga fan nina Daniel at Kathryn Bernardo na nagsabing solid Kapamilya sila at nami-miss na nila ang KathNiel.