Masayang-masaya rin si Daniel sa tagum­pay ng pelikula ng girlfriend na si Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye” with Alden Richards.

Sa kanyang video interview na napanood namin habang kinakapanayam ng press bago sumalang sa laban sa Star Magic All-Star Games 2019 ay ikinuwento niyang bago sila pumunta sa event ay nagsimba muna sila ni Kathryn.

“Siyempre, very proud. Kanina nga, nagsimba kami para lang ­magpasalamat sa lahat ng blessings na natatamo niya at natatamo ko rin. And ayun, ­masaya. ­Siyempre, ang tagumpay niya ay tagumpay­ ko rin,” pahayag ni Daniel.

Komento ng press, si Kathryn lang daw ang nakagawa ng ganu’ng ­kalaking box-office gross na pelikula (na as we write ay nasa mahigit P800M na) at proud na sagot ni Daniel, “panis, nobya ko ‘yun!”

Natanong din ang aktor sa kanyang next project at aniya ay soon daw. Hindi pa lang niya puwede raw sabihin ngayon ang detalye.

Andre magba-basketbol sa Dubai

Kahit busy na sa kanyang showbiz career ngayon, hindi pa rin nakakalimutan ni Andre Paras ang pagba-basketball. In fact, nakatakda siyang pumunta sa Dubai ­ngayong Setyembre para sa Kapuso ­All-Star Basketball Game kasama ang iba pang GMA-7 stars na sina Mike Tan, Rocco Nacino, Mark Herras, Derrick Monasterio, Mikael Daez, Kristoffer Martin with Janine­ Gutierrez bilang muse.

Ipinost ni Andre sa kanyang IG ang ­poster ng nasabing event at sa caption, he wrote, ­“basketball has always been my first love. ­Masarap ang ­pakiramdam kapag naglalaro kasama ang mga ­kaibigan at ­nakakapagpasaya ka ng mga manu­nuod­.­

“Kaya naman mga Kapuso abroad, proud akong ­ibalita sa inyo na this ­September 20, ­lilipad po tayo sa Dubai para sa ConGen’s Cup Trending ­Pinoy All-Star Kapuso Basketball 2019! ­Magkita-kita po tayo sa Shabab Al Ahli Sports Club sa Dubai, U.A.E.! Free admission po ito kaya walang mawawala!”
As we all know, bago ­naging artista si Andre (who stands 6’5”) ay basketball ang una niyang naging career tulad ng kanyang amang si Benjie ­Paras and played for UP Fighting Maroons. Pero tuluyan na nga siyang naagaw ng showbiz at nagsunod-sunod na ang proyekto.

Sa ngayon, kasama si ­Andre sa ­Pinoy adaptation ng hit Korean ­Drama na “Des­cendants of the Sun” at kamakailan nga lang ay sumailalim siya sa medical training bilang paghahanda sa kanyang role as one of the medical team members along with Jasmine Curtis Smith, Chariz Solomon, Renz Fernandez, Nicole Donesa, Jenzel Angeles at Reeze Tuason.