NI: ARCHIE LIAO

Cute ang pagpapa-ander ni Daniel Padilla sa kanyang nobyang si Kathryn Bernardo. Sumailalim kasi ang aktor sa direksyon ng young superstar.

Ito ay para sa short video plug ni DJ para sa isang online concert bilang suporta sa ating matatapang na frontliners.

Tampok dito ang mga tanyag na artists mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Si Kathryn din ang nag-edit at nagprodyus ng nasabing video. Siya rin ang nagsilbing personal stylist para lalong lumitaw ang kaguwapuhan ni Daniel.

Ang naturang online show ay napanood via facebook at Youtube nu’ng Linggo.