FIVE years nang magka-loveteam sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang opisyal na pag-amin na sila na, kahit maraming naniniwalang matagal na silang may relasyon.

Kaya parang bagay sa dalawa ang A Love Untold na nasa pamagat ng bago nilang pelikula na Barcelona dahil ang pag-iibigan nila ay hindi pa rin nila maihayag nang tuluyan sa publiko.

Hindi sila katulad ng JaDine na matagal nang umamin na may relasyon o ng AlDub na kakaamin lang on national TV na nagmamahalan na nang totohanan.

Sa limang taong pagtatambal ng KathNiel, ano ‘yung mga hindi pa nila nasasabi na baka puwede na nilang i-share ngayon?

Sagot ni Daniel, “Ganito na lang, basta kung ano ‘yung nakikita n’yo sa screen, siguro sa tulong na rin ng limang taon ‘yon.

“So, kung paano kami magtinginan ni Kathryn dahil sa mga eksena na siyempre, kailangang tumingin na may tingin ng pagmamahal, ‘di ba?

“Kasama ‘yon. At si­guro, dahil ‘yon sa limang taon.

“Parang ano ‘yun eh, hinuhukay mo lang ‘yung mga nangyari nu’ng mga nakaraang taon ninyo at ilalabas mo sa eksena.

“So, ang laking tulong nu’ng samahan namin ni Kathryn. ‘Yun na lang muna ‘yung sasabihin ko sa ngayon,” pahayag ni Daniel.

Kung tinginan ang pag-uusapan ay ang ta­tamis at ang lalagkit ng tinginan at sulyapan ng KathNiel sa isa’t isa, lalo na si Daniel na kita mo sa mga mata ang matinding pagmamahal sa kapareha niya.

At nu’ng presscon ng Barcelona, ‘yung kamay ni DJ ay laging nakapatong sa may tuhod at binti ni Kath.

Minsan, ‘yung dalawang kamay ni boylet ay nasa pagitan ng dalawang tuhod ni girlilet, so boyfie-girlie talaga ang peg.

Ewan kung bakit a­yaw pang-aminin nang diretsuhan ng dalawa na magsyota na sila at kung kailan sila opis­yal na naging mag-on.

Naiibang Daniel at Kathryn ang promise nilang mapapanood sa bagong obra ni Direk Olivia Lamasan.

Sa September 14 ang showing in cinemas worldwide ng Barcelona, na may mga linyang parang katulad ng mga dayalog sa pelikulang Milan nina Piolo Pascual at Claudine Barretto na dinirek din ni Lamasan.

2 Responses