MAGRE-REACT ang fans ni Alden Richards sa tsikang nakarating sa amin!

Pinagkukumpara kasi ang mall events nina Alden at Daniel Padilla sa Robinson’s Galleria.

Noong Agosto 7 kasi ay nandoon si Daniel para sa mall event ng cellphone brand na ine-endorse niya.

Grabe ang fans ni ­Daniel na dumating sa nasabing mall para suportahan ang kanilang idolo.
Si Alden, may book signing doon noong Agosto 14.

Kumpara sa event doon ni Daniel, mas maraming fans ni Daniel na nagpunta sa nasabing mall.

Anyway, sa Martes ay presscon na ng Barcelona: A Love Untold movie nina Daniel at Kathryn Bernardo na prodyus ng Star Cinema.

Dere-deretso na ang promotions nila hanggang mai-showing ang pelikula nila sa Set­yembre 14.

***

Kontrobersyal na naman si Deniece ­Cornejo, huh?!

Hindi na ang tungkol sa kaso nila ni Vhong Navarro ang mas pinag-uusapan ngayon.

Ang issue na ngayon sa kanya ay ang tungkol sa pagkakapili sa kanya na Ambassador of Goodwill ng isang international NGO.

Ang iba, nagsasabing ano ang karapatan ni Deniece na maging Ambassador of Goodwill ng nasabing international NGO?

Noong isang araw, inusisa namin ang ­legal counsel ni Deniece na si Atty. Ferdinand ­Topacio tungkol doon.

“Hindi naman dapat tanungin si ­Deniece kung ano ang karapatan niya na maging ­Ambassador of Goodwill ng international company na ‘yon, eh!

“Hindi naman dapat si Deniece ang sumagot niyan!

“Ang dapat nilang tanungin, ‘yung inter­national NGO na kumuha sa kanya!

“Walang dapat ipaliwanag si Deniece. ­Period!” pahayag pa ni Atty. Topacio.

Basta, si Deniece, tinanggap at very flattered sa pagtatalaga sa kanya bilang Ambassador of Goodwill ng international NGO na ‘yon.

Gagawin niya ang makakaya niya para magampanan ang tungkuling itina­laga sa kanya!

***

Hindi na talaga maawat ang pagi­ging jet setter ni Raymond ­Gutierrez, huh?!

Sunod-sunod ang pag-a-abroad ni Raymond.

Nakasabay siya ng ilang mga kaibiga­n namin sa flight pa-Bangkok, Thailand dahil may isang event siyang pinunta­han sa bansang ‘yon, pero overnight lang siya roon.

The next day, nag-fly na siya pa-Singapore.

Work ang pakay niya sa Singapore dahil pinapunta siya roon ng E! inter­national cable channel para manood ng concert ni Ronan Keating, ang dating lead singer ng Boyzone.

“After that, may interview ako with Ronan for E! News Asia,” kuwento ni Raymond.

Kung saan-saang bansa pumupunta si Raymond para mag-interview ng mga celebrity para sa E! News Asia.

Bukod kasi sa ­reality TV series ng kanilang pamilya na It Takes Gutz to be a Gutierrez, madalas na ring napapanood si Raymond sa E! News Asia.

Noong Biyernes nang gabi, umalis na naman si Raymond and this time, sa Bali, Indonesia siya nagpunta para sa bachelorette party ni Isabelle Daza na mapapanood sa isang show ng E!

“I cannot announce yet, pero there’s ­another reason kung bakit ako pupunta ng Bali for Belle’s bachelorette party bukod sa friends kami.

“I think ia-announce naman ‘yon ng E!

“But I’m really, ­really excited sa Bali trip na ito for Belle’s bache­lorette party,” pahayag ni Raymond.

Bukod kay Raymond, ­napakarami pang celebrity-friends at mga kamag-anak ni ­Isabelle na umalis noong ­Biyernes para sa kanyang bachelorette party sa Bali.

12 Responses

  1. dont believe this FAT, ugly gay JUNA LALINA aka baboy. may kaso yan child abuse noon sa bagets na kirby de jesus ba yun na tinangka nyang halayin sa kotse. research nyo!

  2. Ok ang timing ng article na to ha hehe. Just in time sa showing ng Barcelona. Mind conditioning talaga na mas dudumugin pelikula ng KathNiel. Sige push mo lang yan, magkano ba binayad sayo. At hindi na uso ang sabi sabi lang, kelangan may ipakitang mga pictures at resibo as evidence para ipakita talaga na dinumog ng mga tao LOL

  3. AYOS May isa na namang PATAYGUTOM WrITER in the making, PARA lang MAGREACT ang ADN para mapansin ang pang YOUTUBE na movie, GUMAWA ng EKSENA…hehehhehehehe.ok AMBAGAN na lang tayo PISO PISO para kay JUN LALIm ng hindi na naguuyot sa BRAND X para may MALAMON LANG

  4. Ano na nangyari sa mga career ng mga Gutierrez? Hanggang E! Channel na lang ba sila? Pa-guest guest na lang sa ABS. As in hindi sila binigyan ng exclusive na kontrata? Ouch. Saka ano na balak ni Richard Gutz sa career niya eh mukhang magiging sports/news channel ang TV5. Tsk Tsk.