NI: ROLDAN CASTRO
Pag-uusapan nina Daniel Padilla at ng moderator na si Direk Adolf Alix Jr. ang kuwento sa likod ng acting career ng aktor. Kasama na rito ang mga proseso niya bilang artista sa mga pelikulang ginawa niya.
Matutunghayan ito sa espesyal na edisyon ng Actors’ Cue ng #ExtendTheLove ngayong Biyernes, May 22, LIVE sa Facebook page nito na fb.me/ExtendTheLove.
Ito ay parte ng fund raising project ng #ExtendTheLove para sa mga trabahador ng pelikula na nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19. Nagsimula ito sa pagpapalabas ng mga pelikula online at sinundan ng ilang live events na related sa filmmaking para makalikom ng donasyon at tulong.
Naka-siyam na edisyon na ang Actors Cue Series at sa mga nakaraang panel nito ay nakasama ang ilan sa ating mga premyadong artista kabilang na si Cannes Best Actress Jaclyn Jose at si Piolo Pascual.
Maaari kayong magpadala bg donasyon sa pamamagitan ng: BDO ,Account Name: Robert John Liboon, Account Number: 008750028001
BPI , Account Name: Alfredo Villar, Account Number: 2570008156
Bisitahin ang FB page na fb.me/ExtendTheLove para sa karagdagang impormasyon.