Bumawi si Kathryn Bernardo sa boyfriend na si Daniel Padilla. Sinorpresa niya rin ang aktor nang bigla siyang dumating sa birthday party nito last Thursday night.
Turned out na umuwi pala ng Pilipinas si Kathryn galing sa shooting ng movie nila ni Alden Richards sa Hong Kong.
Ipinost ng Star Magic Philippines sa Instagram ang video ng pagdating ni Kathryn sa party at makikitang nagulat nga si Daniel.
Nakatalikod si Daniel nang dumating si Kathryn at niyakap siya nito sa likuran. Pagharap ni Daniel, nagulat ang aktor at yumakap din sa girlfriend sabay sambit ng “My God!”
Ang tagal nilang magkayakap at mukha talagang miss na miss nila ang isa’t isa.
“The Lovebirds reunite tonight during Daniel’s birthday!” ang caption ng video.
Ang isang larawan ng KathNiel na magkayakap na ipinost ng Star Magic ay may caption na “Kathryn arrives from Hong Kong for Daniel’s 24th birthday!”
Matatandaang kamakailan lang, sinorpresa ni Daniel si Kathryn nang bigla itong sumulpot sa Hong Kong para bisitahin ang girlfriend while shooting the film with Alden.
***
Lloydie ‘di magugutom
Mukhang hindi naman totoo ang tsikang nagkakalabuan sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Ito ay dahil na rin sa lumabas na mga larawan nila habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia kasama ang kanilang anak na si Elias at ilang kaibigan.
Bukod dito, may nakausap din kaming reliable source na nagsabing maayos na maayos ang pagsasama nina Lloydie at Ellen.
Ayon pa sa aming source, masayang-masaya raw si Lloydie sa piling ni Ellen at dito raw naramdaman ng aktor ang katahimikan ng buhay na hinahanap.
“Mahal na mahal niya si Ellen and vice versa. Kung hindi ba naman, ipagpapalit ba naman niya ang career niya?” sey ng aming source na close sa aktor.
“And you know why? Napakamaasikaso ni Ellen kay Lloydie. Talagang pinagsisilbihan niya at alagang-alaga niya si JLC,” kuwento pa ng aming kausap.
‘Yung sinasabing pagbabalik ni Lloydie sa showbiz ay hindi raw totoo at hindi rin daw true na ayaw na ng ABS-CBN sa aktor.
“Welcome na welcome siya sa ABS-CBN anytime na gusto niyang bumalik. John Lloyd is John Lloyd. But the thing is, ayaw na niya talaga. Ayaw na niyang mag-artista, mas gusto na niya talaga ang tahimik na buhay. And he’s happy,” sey pa ng source namin.
Tinanong namin kung paano nabubuhay sina Ellen at Lloydie kung wala naman silang trabaho pareho at ayon sa katsika namin, napakayaman daw ng aktor.
“Sobrang yaman niya, ang laki ng kinita niya sa ABS-CBN. Ilang taon ba naman siyang nagtatrabaho? Bata pa siya, nagtatrabaho na siya. Nakapag-save siya talaga ng malaki.”
Bukod dito ay may kaya rin naman daw ang pamilya ni Ellen kaya hindi raw talaga problema ang pinansyal kahit ilang taon pang walang trabaho ang dalawa.
Ang maganda raw kay Lloydie ay umalis ito ng nasa top of his career.
“Hindi siya umalis nang laos. Kaya anytime na bumalik siya ay may babalikan siyang career. Pero ayaw na niya talaga, eh,” sambit pa ng aming kausap.