NI: RONALINE AVECILLA
Umugong ang usapin na hiwalay na umano ang celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nagsimula ito sa unfollow-an sa kanilang mga Instagram.
Kalaunan naman ay nilinaw ng aktres na aksidente niyang na-block ang dyowa sa Instagram.
Ang mas nagpatibay pa sa hinala ng mga netizen ay ang ‘di pagdalo ng aktor sa awards night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Nag-request naman ang ina ni Kath na si Min ng privacy para sa buhay ng dalawa. Sinigurado naman ni Momshie Karla Estrada na maayos ang relasyon ng dalawa.
Ang hinihintay na lang ng madlang pipol ay manggaling mismo sa aktor ang sagot sa mga isyung hiwalay na umano sila.
Kaya naman nitong Martes, matapos umuwi si Daniel mula sa Japan ay dumiretso siya sa premiere night ng pelikula ng ina niyang si Karla Estrada.
Napansin na hindi kasama nina Daniel at Karla si Kathryn sa red carpet. Ayon kay Daniel ay may photoshoot ito at hindi nakaabot. Subalit pinilit pa ring humabol ng aktres sa premiere night.
Tinanong siya kung hiwalay na ba sila ng aktres. Aniya, “Bakasyon pa ako kaya wala munang showbusiness.”
Bakas sa mukha ng aktor ang pagod dahil sa malalaking eyebags niya. Bagama’t ayaw magsalita ay napilitan pa rin siyang sagutin ang tanong kung sila pa ba.
Pag-amin niya, “Pwede bang tigilan ‘yung tanong na kung hiwalay na kami. Pero okay naman kami.”
Tungkol naman sa unfollow-an nila sa Instagram at ang kanyang post na may caption na “Hypocrites”. Pahayag niya, “Mukha bang hiwalay na kami? Mukha ba?”
Tinanong din siya kung bakit hindi sila nakikitang magkasama sa mga event. Ang tanging tugon ng aktor, “Ayos lang, ayos lang. Ayos kami.”