Kamakailan lang ay umugong ang isyung cool-off umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ito ay matapos i-unfollow ng aktor si Kathryn at ang ina nitong si Min Bernardo.

Samantala, may isang netizen ang prangkang pumuna sa mag-ina. Sinasabi nito na masyado raw umanong sinasakal nina Kath at Min si Daniel. Napipilitan na lamang daw umano ang aktor na pakisamahan sila.

Bahagi ng salaysay ng netizen, “Sana hindi sa inyo nauunang mangga­ling ‘yun pakilig pictures ng Kathniel dahil nagmumuka daw pong si Kathryn at pamilya Bernardo ang naghahabol at gustong gusto si Daniel samantalang si @supremo_dp at pamilya nya lalo na sina Karla at Ana ay ayaw na at napipilitan na lang makisama sa inyo gawa ng mga fan at ilan proyekto kaila­ngang magkasama pa Kathniel.”

Depensa naman ng ina ni Kath, “thank you sa pag support and pagmamahal sa dalawa ang obvious naman na updated ka sa social media pero sana lang huwag na tayong padala at maniwala sa lahat ng nababasa at nadidinig natin. Diff opinions and diff beliefs na pag pinagsaman sama nakakasira ng ulo.”

Payo pa niya, “Kung mahal mo si Kath or DJ, sana lang magtiwala kayo sa kanila. Hindi namin kaila­ngan na lahat ng bato at sinasabi ng bawat tao ay sagutin o patulan namin. Maawa naman kayo sa amin… sorry, but we need privacy din sa aming personal life, ok! Thank you sa pagmamahal. happy BALentine’s day.”