HINDI puno ang sinehan nang manood kami ng LFS ng Barcelona: A Love Untold nu’ng second day nito sa Robinson’s Magnolia.

Akala namin ay mahaba ang pila sa bilihan ng ti­ket at masu-soldout ito bilang nataon pa na suweldo nu’ng araw na ‘yon, pero waley kaming nakitang pila at wala ring soldout screenings na naganap.

May mga nagdududa tuloy doon sa P23M daw na opening day gross sa mahigit 200 sinehan nationwide.

After watching the movie ay nag-tweet kami ng, “Ang guwapo at ang galing ni Daniel Padilla, wish I could say the same to his leading lady…”

Ang dami agad nagreak sa simpleng tweet namin.

Kahapon nang umaga paggising namin ay tambak na ang tweets natanggap namin na bina-bash kami.

Ni wala pa kaming sinabi tungkol sa kapareha ni Daniel, ganu’n na agad maka-bash ang ibang KN fantards, ano pa kaya kung inisa-isa namin ang mga komento namin?

Anyway, para sa amin ay si Daniel ang saving grace ng pelikula na kinunan sa España.

Hindi lang consistent na guwapo sa screen si Daniel mula umpisa hanggang ending kundi consistent pa siyang magaling.

Kahit anong suot niya at ayos ng buhok niya, tuwing kinu-closeup si DJ ng kamera ay leading man na leading man ang dating niya.

Wala siyang masamang anggulo.

At ang daming pinagawa sa kanya rito ni Direk Olive Lamasan.

Marami siyang Spa­nish lines dahil Architecture student siya sa Barcelona at ilang taon na siyang nakatira roon.

May eksenang nakatapis lang siya ng tuwalya matapos maligo, tapos ay tinanggal niya ‘yung tuwalya at nagbihis siya habang sinisilip siya ng leading lady niya.

Meron pang telag kunwari ang nota niya nu’ng muntik silang mag-kiss ng kapareha niya habang bagong gising siya, tapos ay meron pang tumakbo siya sa beach at hinubad ang lahat ng suot niya habang nakalubog siya sa dagat.

Ang dami pa niyang dramatic moments.

As in ginawa lahat ni Daniel ang mga pinagawa sa kanya ni Direk Olive sa pelikula at nagawa niya ‘yon nang tama.

Kita mo ‘yung growth niya as an actor at makikita mong nag-mature siya.

Natural, walang pretensyon, sincere at totoo ang akting ng Kapamilya Teen King kaya mararamdaman mo siya at makakasimpatya ka sa kanya.

Suwerte ang kahit na sinong ipareha kay Daniel dahil hindi lang siya heartthrob, isa siyang gifted actor.

But he can only do so much.

Kahit ginawa na niya ang lahat at binigay na niya ang best niya, minsan ay hindi pa rin sapat ‘yon para maisalba niya ang isang bagay.

Ayan… ni hindi namin binanggit man lang ang pangalan ng leading lady niya, ha?

Bash Pa More?!

3 Responses