Daniel tinakbuhan ang mga fan

NI: ROLDAN CASTRO

Bagamat naglalaan ng oras si Daniel Padilla sa mga fan, dumating siya sa puntong kailangan niyang takasan ito. Hindi naman talaga siya suplado sa mga tagahanga niya.

May insidente nga sa gate ng ABS-CBN 2 na bumaba siya sa kanyang sasakyan para pagbigyan ang mga fan na gustong magpakuha ng photo.

Pero gaya ng ibang artista, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kayang makihalubilo sa publiko. Kailangan ding umiwas lalo na pag dinudumog na ito at posibleng masaktan.

Usap-usapan kasi ang video na tinatakbuhan niya ang mga makukulit na mga fan. Hitsurang action star na tumatalon pa.

Ayon sa video uploader na si @majkathaly. “kala ko shooting un pala natakbo lng c dj… para makaiwas sa mga makulit na fans. Masama kc pakiramdam ni baby boy… alam naman natin napakabait ni dj sa mga fans. Pero pag nakiusap na sya ng pahinga ibigay na natin. Wag na makulit.”