Daniel tsugi sa ‘Marawi’

Nalungkot ang action superstar na si Robin Padilla dahil hindi na mapupunta sa pamangkin na si Daniel Padilla ang isang importanteng role sa pelikulang ‘Marawi’, na ididirehe ni Joyce Bernal, at ang producer ay si Piolo Pascual. Sa isang banda naman ay masaya daw ang aktor dahil pasado na sa lahat ng sektor ang nasabing pelikula at hinihintay na lamang ang schedule ng shooting.

Marami raw ang matutuhan sa pelikulang ‘Marawi’, kaya naman ganu’n na lamang ang kanyang excitement. Dagdag pa ang suportang ibibigay ng ABS-CBN. Balitang bukod sa kanya malalaking artista raw ang kasama pa, pero mas mabuting si Heneral Piolo (Piolo Pascual) na lang daw ang magbabanggit.

Ayon sa push.com.ph sinabi ni Robin, “‘Yung message ng nangyari sa Marawi, hindi natin dapat makalimutan ‘yun, hindi dapat malaos sapagkat ‘yun ay past, present and future si­tuation ng ating bansa.”
Regular na napapanood si Robin sa daytime drama series na ‘Sana Dalawa ang Puso’.