Daniels pambalya ng Aces

Isa ang Alaska sa mga magpaparada ng bagong mukha sa papasok na PBA Commissioner’s Cup.

Tinapik ng Aces si Chris Daniels, produkto ng Texas A&M – Corpus Christi.

Nakalistang 6-foot-10 si Daniels, undrafted sa NBA noong 2008, pero naglaro sa G-League para sa Erie Bayhawks, Santa Cruz Warriors at Rio Grande Valley Vipers na kampeon noong 2013.

Dalawang linggo na sa Manila si Daniels, sumama na rin sa praktis ng Aces.
Naglakbay na rin si Daniels, 35, sa paglalaro sa iba’t ibang panig ng mundo.

May dalawang titulo siya sa Korean Basketball League.

Nag-average si Daniels­ ng 12.3 points, 7.6 rebounds, 1.3 assists at 1.0 blocks nitong nagdaang season sa Lebanese Basketball League.

Brusko sa 265-lbs si Daniels, aasahan ng Aces sa pakikipagbalyahan sa loob.(Vladi Eduarte)