Itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating military officer na si Danilo ‘Danny’ Lim bilang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ang kinumpirma kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea kaugnay sa napipintong appointment ni Lim sa MMDA.
Inaasahang pipirmahan ni Pangulong Duterte ang nasabing appointment sa Lunes, Mayo 22 bago ito bumiyahe patungong Russia.
Papalitan ni Lim ang itinalagang acting MMDA general manager na si Thomas Orbos.
Ayon kay Medialdea mananatiling general manager ng MMDA si Orbos sa sandaling palitan ito sa puwesto ni Lim.
Huling itinalaga si Lim bilang Deputy Customs Commissioner for Intelligence sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino pero nagbitiw ito noong Hulyo 2013.
Si Lim yata iyong Vice AFP Chief of Staff na napaiyak nang sinundo nila ni Gen. Angie Reyes sa Malacanang noong napatalsik si Erap.