Kamakailan ay luma­bas ang report na umaabot sa 90% ng kapulisan sa ­buong bansa ang bagsak sa gun proficiency test o hindi mga asintado sa pagbaril.

Inamin ito ng isang NAPOLCOM Commissioner na isang heneral.­ Sinabi niyang nakaka­alarma ang naturang sitwasyon dahil nalalagay sa balag ng alanganin ang buhay ng mismong mga pulis sa pagtugis at pakikipag-engkuwentro laban sa mga elementong kriminal.

Gayundin, ang mga inosenteng sibilyan na kadalasang naiipit sa palitan ng putok ng mga awtoridad at ng mga kalaban ng batas.

Idinagdag pa sa ulat na sa 10% lang ng ­nakapasa sa gun proficiency test, karamihan dito ay nasa classification pa ng marksmen at ni hindi umabot sa ka­tegorya ng sharpshooter.

Hindi na dapat mangyari ito dahil naglaan na ng sapat na pondo­ ang Philippine Nationa­l Police (PNP) para makapag-practice sa pagbaril ang mga pulis.

Kasunod ito ng ­direktiba ni PNP Chief Director General Ronald­ Dela Rosa sa lahat ng mga miyembro ng PNP na sumailalim sa marksmanship training at ­lahat ng mga babagsak ay ­didisarmahan.

Ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP, bibigyan ng reloading machines o ­sapat na bala ang bawat rehiyon at probinsya para sa training ng mga pulis.

Gayunman, seryoso­, aniya, si Dela Rosa na disarmahan ang mga pulis na babagsak sa kanilang proficiency test. Tama nga naman­, kasi kung hindi maru­nong­ bumaril ang isang alagad ng batas ay deli­kado pati ang buhay ng mga sibilyan na dapat n­iyang protektahan laban­­ sa masasamang loob.

Kung sharpshooter o asintado ang mga pulis, hindi ba dapat ay alam din nila kung saang parte ng katawan patatamaan ang kanilang naka­kaenkuwentrong mga suspek para hindi na makapanlaban?

Kung mahuhuling buhay ang isang hinihinalang sangkot sa krimen, hindi kaya mas maganda dahil maituturo o kaya ay maikanta pa nila ang ibang kasama­han sa grupo?

Maliban na lamang siyempre kung nasa ­delikadong situwasyon din ang buhay ng mga alaagad ng batas.

Ang alam kong sharpshooter na maga­ling sa baril ay hindi­ mag-uubos ng napaka­raming bala na halos matadtad ng tama ang kalaban.

One Response

  1. Asintado at mahuli ng “BUHAY” ang mga kriminal. Pero kung mga DRUG PUSHERS, DRUG USER, DRUG LORD, SNATCHER, HOLDUPPER, RAPIST, MURDERS, PLUNDERERS dpat PATAY AGAD!