Dapat lang ang death penalty sa drug lord at plunderer

Napapanahon na upang ibalik ang parusang kamatayan pero maaaring sa da­lawang kaso lamang.

Ito ay sa mga napapatunayang bigtime drug lord na kung saan ay siya ang nagpapasok at nagpapakalat ng napakaraming iligal na droga sa bansa.
Dapat ay mapanagot din ang mga ka­sabwat na opisyal ng gobyerno na nagbibigay ng proteksiyon sa mga drug lord.

Kaya lang ang problema ngayon ay tila wala pang nahuhu­ling bigtime drug lord ang PNP at pawang mga pipitsuging drug pusher lang.
Samantala, maka­kabuting mabitay rin ang mga plunderer o mandarambong sa kaban ng bayan.

Dapat ay seryosohin na maparusahan ang mga mandarambong sa gobyerno.
Sa kasalukuyan ay kailangan umabot sa P50 milyon ang nakawin ng isang opis­yal upang pumasok sa kasong plunder.

Hindi na maitutu­ring na anti-poor ang batas na ito sakaling mapagtibay dahil wala namang mahirap na bigtime drug lord.

At lalong walang pangkaraniwang mamamayan ang may kakayahan na magnakaw ng hanggang P50 milyon.

Ang maaari lamang na may kapasidad na makapagnakaw ay ang may hawak na mataas na posisyon sa gobyerno.

Dahil dito ay makakabuting bitayin ang mga drug lord at mandarambong sa gobyerno at ang mga ito ay may kakayahan na makakuha ng magagaling na abogado upang sila ay maipagtanggol kung sakaling gawa-gawa lamang ang mga kaso laban sa mga ito.