Dapat umakto ang pulis

Isinangguni ko sa isang abogado kung puwede pa rin bang kasuhan ang isang taxi driver at kasama ­nitong barker o taga-tawag ng pasahero kahit ­hindi naman nakapagbigay ng pera ang nagreklamong­ ­pasahero.

Kinuha ko ang opinyon ni Atty. Virginia ­Suarez, sa tanong na maaari pa rin bang sampahan­ ng reklamo ang tsuper ng taxi na naniningil ng ­halagang P3,600 sa rutang mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hanggang Cubao, Quezon City.

Nag-viral sa social media ang post ni Janine, ang nabiktimang pasahero. Ayon sa kanya, ang taxi scam ay naganap noong September 18, nang sumakay sila sa isang metered taxi sa NAIA Terminal 3 at nagpahatid sa terminal ng bus sa Cubao.

Hindi umano nila akalain na singilin sila nang ­sobra-sobra. Noong una ay nakipagtalo raw sila ­dahil ayaw nilang pumayag na magbayad ng P3,600. Ang inaasahan daw nila ay mga P300 hanggang P500 ­lamang ang aabutin ng metro.

Sa salaysay pa ni Janine, “Kunwari pumayag ­kami dahil naisip namin na baka kung anong gawin sa amin kung makikipagtalo pa kami, at nagdahilan na lang ­kami na walang cash kaya kailangan mag-withdraw sa ATM,” patuloy pa ng kanyang kuwento sa kanyang post sa Facebook.

“Dun kami nagpababa sa may malapit sa pulis…nu’ng narinig nilang sinabi ng kapatid ko na puntahan­ ko ‘yung pulis, nagmadali sila ibaba ‘yung mga bagahe­ namin sabay sibat kahit nakabukas pa ‘yung mga pintuan ng taxi.”

Ang malungkot dito, hindi hinabol ng pulis ang taxi kahit aabutan pa sana nila kung gugustuhin. “Sabi­ daw ng pulis, ‘wala naman palang nakuha sa inyo’,” kuwento pa ni Janine.

Ayon kay Atty. Suarez, may mali rin sa ginawa ng pulis. Kahit hindi raw nakuhanan ng pera ang pasahero basta’t may pamimilit na sila ay singilin sa ­pres­yong­ hindi makatuwiran ay may pananagutan na sa batas ang naturang driver.

Hindi umano dapat ikatuwiran ng pulis na ­wala ­namang nakuha sa kanila. Dahil may sumbong o reklamo­ ang bumabang pasahero, dapat din ay umakt­o kaagad ang pulis na patigilin ang taxi para alamin kung may basehan ang reklamo ng biktima.

Ang dapat sa abusadong driver at tamad na pulis na ito ay pag-umpugin ang mga ulo!

Nauna rito, binalaan ng Manila Internationa­l Airport Authority (MIAA) ang mga abusadong­ taxi drivers­ na doble kung maningil sa mga ­pasahero.

Kasunod ito ng pagpapahintulot sa mga regular taxi na makapasok na sa mga terminal ng NAIA.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monrea­l, ang paniningil ng mga taxi driver sa mga pasahero ay batay dapat sa taripa ng kanilang metro. Pinagbabawal,­ aniya, nila ang pangongontrata at ­paniningil nang s­obra-sobra sa mga pasahero.

Pinayagan, aniya, nila ang mga taxi sa loob ng NAIA terminals upang magsilbing alternative mode of transportation para tugunan ang kakulangan ng ­accredited taxi at vehicles-for-hire sa NAIA kung saan libu-libong domestic at international na pasahero ang dumadating sa paliparan.