Kung may mag-offer sa inyo ng sponsorship ng working visa sa Australia kapalit ng monetary considerations, huwag ninyo­ tatanggapin. Ito’y dahil­ ipinagbabawal­ na ng Australian government ang paniningil — whether ng lump sum o perang kakaltasin sa suweldo — kapalit ng visa sponsorship.

Ang puwede lang, ­ayon sa advisory ng Philippine Overseas Employment Administration, ay ang pagbabayad ng professional fee sa registered migration agents.

Hindi lang ‘yung maniningil ng bayad para sa sponsorship ang may penalty dahil pati ang ­visa na ini-issue ay puwedeng kanselahin. So be warned, okay?

Facelift?

Is it just us o talagang­ nabigyan ng facelift ang website ng POEA sa www.poea.gov.ph?

Mas simple na ang landing page ng website kung saan makikita ang Question and Answer sa mga bagong regulasyon kaugnay ng land-based OFW deployment. Nasa landing page din ang primary news items at nasa “Overseas Filipino workers” button naman sa iba­baw ang downloadable forms para sa services sa OFWs.

Ang mga services ng mga OFWs ay ang 1) regis­tration of landbased at seabased OFWs, 2) documentation ng landbased name-hires,­ 3) docu­mentation ng govern­ment hires, 4) documentation ng workers on leave, 5) verification at certification ng OFW records, 6) verification ng licensed agencies at job orders, 7) legal assistance at filing/docketing ng cases.

Redundant

Sa landing page ay may separate button din ang listahan ng POEA-licensed recruitment agencies. Ito ‘yung listahan na regular na iniimprenta ng  in tabloid size at ibinibi­gay sa mga nagpupunta sa kanilang tanggapan.

Actually, dahil sa tech­nology ay redundant na itong printed copy ng POEA licensed agencies dahil lahat naman ng may internet access sa phones, tablet o laptops ay pwedeng ma-access ang online edition.

Para sa atin, okay na rin siguro na wala na ‘yang printed copy ng POEA licensed agencies para makatipid pa ang gobyerno.

SONA reactions

As you read this ay napakinggan na ninyo ang much-anticipated first State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte.

Ano ang masasabi ninyo? Send your feedbacks sa usapang_ofw@yahoo.com o itawag sa 551-5163. Follow me on Twitter @beeslist.